Bleasdale Global
Hope for Indonesian People

Ano ang kailangan mong malaman

mula sa Biblia, ang nasusulat na Salita

ng Dios.

KAILANGAN MONG MALIGTAS.

MGA TAGA ROMA 6:23a: “Sapagka’t ang

kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.”

1 JUAN 1:8, 10: “Kung sinasabi nating tayo’y

walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating

sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin. Kung

sinasabi nating tayo’y hindi nangagkasala, ay

ating ginagawang sinungaling siya [Dios], at

ang kaniyang salita ay wala sa atin.”

MGA HEBREO 9:27: “At kung paanong

itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan,

at pagkatapos nito ay ang paghuhukom.”

APOCALIPSIS 20:14, 15, 10b: “At ang

kamatayan at ang Hades ay ibinulid

[itinapon] sa dagatdagatang apoy. Ito ang

ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang

dagatdagatang apoy. At kung ang sinoman ay

hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng

buhay, ay ibinulid [itinapon] sa dagatdagatang

apoy. At sila’y pahihirapan araw at gabi

magpakailan kailan man.”

HINDI MO KAYANG ILIGTAS ANG

IYONG SARILI.

MGA KAWIKAAN 14:12: “May daan na tila

matuwid sa isang tao, nguni’t ang dulo niyaon

ay mga daan ng kamatayan.”

MGA TAGA EFESO 2:8,9: “Sapagka’t sa

biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan

ng pananampalataya; at ito’y hindi sa

inyong sarili, ito’y kaloob ng Dios; Hindi

sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang

sinoman ay huwag magmapuri.”

BIYAYA: Hindi karapat-dapat na pagmamahal

at pagkahabag ng Dios sa taong makasalanan,

inihayag at ginawang mabisa sa pamamagitan

ni Jesucristo.

ANG DIOS AY GUMAWA NG PARAAN

UPANG IKAW AY MALIGTAS.

JUAN 3:16: “Sapagka’t gayon na lamang ang

pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay

niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang

ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya

ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng

buhay na walang hanggan.”

MGA GAWA 4:12: “At sa kanino mang iba ay

walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang

pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa

mga tao, na sukat nating ikaligtas.”

MGA GAWA 13:38,39a: “Kaya maging

hayag nawa sa inyo, mga kapatid, na sa

pamamagitan ng taong ito’y ibinabalita sa

inyo ang kapatawaran ng mga kasalana:

At sa pamamagi tan niya ang bawa’t

nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat

ng mga bagay.”

I PEDRO 3:18: “Sapagka’t si Cristo man ay nagbata

[namatay] ring minsan dahil sa mga kasalanan,

ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang

tayo’y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa

laman, nguni’t binuhay sa espiritu.”

KAILANGAN PAGSISIHAN MO ANG

IYONG MGA KASALANAN.

LUCAS 13:3b: “Datapuwa’t, malibang kayo’y

mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat

sa gayon ding paraan.”

PAGSISISI: Ang tunay na pagsisisi ay ang

pagtalikod sa kasalanan at ang pagkakaroon

ng panibagong direksyon sa pamumuhay na

sinasamahan din nito ng lubos na pagtitiwala

at pag-asa sa Dios.

MGA GAWA 3:19a: “Kaya nga mangagsisi

kayo, at mangagbalikloob, upang mangapawi

ang inyong mga kasalanan.”

KAILANGAN MONG

MANAMPALATAYA SA PANGINOONG

JESUCRISTO AT HILINGIN

MO SIYANG MAGING IYONG

TAGAPAGLIGTAS AT PANGINOON.

JUAN 1:12: “Datapuwa’t ang lahat ng sa

kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban

niya sila ng karapatang maging mga anak

ng Dios, sa makatuwid baga’y ang mga

nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan.”

MGA TAGA ROMA 10:9, 10: “Sapagka’t kung

ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na

Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong

puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa

mga patay ay maliligtas ka: Sapagka’t ang

tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid;

at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang

pagpapahayag sa ikaliligtas.”

MAAARI MONG MALAMAN NA IKAW

AY MAYROONG BUHAY NA WALANG

HANGGAN.

1 JUAN 5:13: “Ang mga bagay na ito ay isinulat

ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo’y

mayroong buhay na walang hanggan, sa

makatuwid ay sa inyong nananampalataya

sa pangalan ng Anak ng Dios.”

II MGA TAGA CORINTO 5:17: “Kaya’t kung

ang sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong

nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas

na; narito, sila’y pawang naging mga bago.”

MGA TAGA ROMA 15:13: “Puspusin nga

kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan

at kapayapaan sa pananampalataya, upang

kayo’y managana sa pagasa sa pamamagitan

ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.”

MAAARI MONG MALAMAN NA

ANG IYONG MGA KASALANAN AY

PINATAWAD NA.

1 JUAN 1:9: “Kung ipinahahayag natin ang

ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya

na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan,

at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan [ating

kasalanan].”

ANG HINAHARAP NA BUHAY NG

ISANG MANANAMPALATAYA.

APOCALIPSIS 21:4: “At papahirin niya ang

bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi

na magkakaroon ng kamatayan; hindi

na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng

pananambitan[pag-iyak] man, o ng hirap pa

man: ang mga bagay nang una ay naparam

na.”

Kung totohanan mong t inanggap si

Jesucristo bilang iyong Tagapagligtas at

Panginoon, mahalagang maging bahagi ka

ng isang simbahan na ang Biblia lamang ang

pinaniniwalaan at pinagbabatayan ng mga

aral upang ikaw ay lumago sa iyong bagong

buhay kay Jesucristo.

Who is Jesus Tagalog
Sino Si Jesus
para sa iyo?

Ang Salita ng Diyos


Filipino Gospel Resources

SABDA-Web

Indeks Besar